Four Ways to Protect Yourself as Documented and Undocumented Filipino Immigrants

Trump may deport 310,000 undocumented Filipinos living in the US (source: CNN Philippines). Documented and undocumented immigrants have rights in this country. Here are Four Ways to Protect Yourself as Documented and Undocumented Filipino Immigrants:

1) SCHEDULE A CONSULTATION WITH A TRUSTED ATTORNEY IMMEDIATELY. If you're documented and knows someone who’s undocumented or if you’re undocumented and/or has a deportation order, consult an attorney immediately. Damayan works with reliable attorneys who provide their services for free.

Steps:

* Gather your important documents (passport, visa, etc).

* Schedule an appointment with Damayan. You will be given an orientation and will need to fill out paperwork.

* You will be scheduled for an appointment with an attorney in one of our legal clinics. Legal clinics are held on the fourth Sundays and Mondays of the month.

Note: Beware of attorneys or paralegals who charge really expensive fees and promise you that they can adjust your status.

2) KNOW AND ASSERT YOUR RIGHTS. Damayan holds Know Your Rights trainings and can give the training to you, your family, relatives, housemates or co-workers so you can all protect yourselves when stopped by Immigration and Customs Enforcement (ICE) in the streets, at home, or at work, or when you or someone you know gets detained. Call Damayan to schedule a training or attend the next scheduled training.

3) CONSULT AN ATTORNEY BEFORE TRAVELING OUTSIDE OR WITHIN THE U.S. If you’re documented, consult a lawyer before planning to travel outside of the US.

If you’re undocumented and plan to leave the US, it is likely that it will be very hard to return to the US. Be careful too when traveling by plane inside the US. While many don’t have any problems with this, it does create the risk that the airport agent will check your old passport or expired visa. It may be safer to postpone travel plans.

4) BE A PART OF AN ORGANIZATION! The most vulnerable ones are those who are isolated and not part of an organization. Be a part of a community of Filipino immigrants and migrant workers that will stand with you. We are stronger when we are together!

While this message is meant for Filipinos in the US, this can also apply to documented and undocumented immigrants of other nationalities.

Damayan provides legal services in partnership with attorneys from Community Development Project at the Urban Justice Center and other agencies, and is a part of the Citywide Immigrant Legal Empowerment Collaborative (CILEC), a consortium of ten immigration service providers in NYC.

For more info: Damayan, 212.564.6057, contact@damayanmigrants.org //

Maaaring i-deport ni Trump ang mga 310,000 na undocumented na mga Pilipino na naninirahan dito sa Estados Unidos (source: CNN Pilipinas). Ang mga imigranteng may papel at walang papel ay may mga karapatan sa bansang ito. Narito ang apat na paraan para protektahan ang inyong mga sarili bilang mga imigranteng may papel at walang papel:

1) MAG-ISKEDYUL AGAD NG KONSULTASYON SA ISANG PINAGKAKATIWALAANG ABOGADO. Kung kayo ay may papel at may kakilalang walang papel o kung kayo ay walang papel at/o may deportation order, kumonsulta kaagad sa isang abogado. Nakikipagtrabaho ang Damayan sa mga maaasahang abogado na nagbibigay ng libreng serbisyo.

Mga hakbang:

* Ipunin ang iyong mga mahahalagang mga dokumento (pasaporte, visa, atbp).

* Mag-iskedyul ng appointment sa Damayan. Bibigyan kayo ng isang oryentasyon at kailangan ninyong mag-fill out ng forms.

* I-iskedyul kayo ng appointment sa isang abogado sa isa naming legal clinics. Ang legal clinics ay ginaganap tuwing ika-apat na Linggo at Lunes ng buwan.

Tandaan: Mag-ingat sa mga abogado o paralegals na naniningil ng malaking bayad at nangangako na aayusin ang inyong status.

2) ALAMIN AT IPAGLABAN ANG INYONG MGA KARAPATAN. Naglulunsad ang Damayan ng Know Your Rights trainings at maaari kayong makakuha ng training para sa inyo, inyong pamilya, mga kamag-anak, mga kasama sa bahay o mga katrabaho para maprotektahan ninyo ang inyong mga sarili kung nakaharap ninyo ang Immigration and Customs Enforcement (ICE) sa kalsada, bahay o trabaho, o kung kayo o ang inyong kakilala ay na-detain. Tumawag sa Damayan para mag-iskedyul ng training o dumalo sa susunod na training.

3) KUMONSULTA SA ISANG ABOGADO BAGO MAGLAKBAY SA LABAS O LOOB NG BANSA. Kung kayo ay may papel, kumonsulta sa isang abogado bago magplano na maglakbay sa labas ng US.

Kung kayo ay walang papel at may planong lumabas ng US, malamang na mahihirapan kayong makabalik sa US. Mag-ingat din sa paglalakbay sa pamamagitan ng eroplano sa loob ng US. Kahit na kaunti ang nagkakaproblema dito, may panganib na baka tingnan ng airport agent ang lumang passport o expired na visa ninyo. Mas magiging ligtas kayo kung ipagpapaliban muna ang mga plano sa paglalakbay.

4) MAGING BAHAGI NG ISANG ORGANISASYON! Ang mga pinakabulnerable ay ang mga isolated at hindi bahagi ng isang organisasyon. Maging bahagi ng isang komunidad ng mga Pilipinong imigrante at migranteng manggagawa na titindig kasama ninyo. Mas malakas tayo kung tayo ay sama-sama!

Bagamat ang mensaheng ito ay para sa mga Pilipino sa US, ito ay para rin sa mga imigrante na may papel at walang papel mula sa ibang lahi.

Ang Damayan ay nagbibigay ng mga ligal na serbisyo sa pakikipagtulungan sa mga abogado mula sa Community Development Project sa Urban Justice Center at iba pang mga ahensya. Ang Damayan ay bahagi rin ng Citywide Immigrant Legal Empowerment Collaborative (CILEC), isang consortium ng sampung immigration service providers sa NYC.

Para sa dagdag na impormasyon: Damayan, 212.564.6057, contact@damayanmigrants.org